Monday, June 14, 2010

UNITED NATIONS' 4TH MDG SUMMIT














Ito ay ilan sa mga litrato mula sa naganap na ika-apat na UN MDG SUMMIT na ginanap sa Nuversity of the Philippines-National College of Public Administration and Governance.

May Kapiraso ng Langit na rito Makakamit





Paano kung sa pagkakataong ito ay malalaman ninyong positibo ako sa nakamamatay na sakit? Paano kung kalahati sa mga narito ay nababagabag na kung paano nila gugugulin ang buhay nila? Paano kung isa ka rin sa kanila? Paano mo tatanggalin ang takot at pangamba? Paano mo sisikaping buhayin ang pangarap mo gayong sa isipmo, mamatay ka na kinabukasan. Ilan lamang ito sa mga katanungang nais kong itanong sa mga tao upang sa simula’t sapul ay magampanan ko ang tungkulin ko bilang kabataan na itulak ang bayan, kung hindi sa kahirapan, sa matinong kalusugan.




Hanggang sa napasama ako sa programang ito. Gaya ng mga aktibistang sumisigaw sa kalye, gaya ng mga hayop na nagsusumamong huwag katayin, gaya ng mga presong nagnanais na makalaya. Ganyan ang pakiramdam ng pagiging Young Advocate--- may malakas na boses, at kayang isigaw ngunit iilan ang handang making… nang tunay. Gayumpaman, hindi iyon balakid sa mga taong may tunay na malasakit sa naghihingalong Lupang Hinirang. Ang bawat salita ay pagbabago, at ang pagbabagong iyon ay magtatapos sa isang salita: KALUSUGAN.





Ang HIV/AIDS masaklap na bangungot. Ang ating adbokasiya ay isang pangarap. Ang kinabukasan, isang umaga. Hindi kop o alam kung paano sasabihin ngunit ako po ay isa sa mga tunay na nangangarap para sa nakangiting lipunan baling araw: lipunang walang hinangad kundi magkaroon ng mamamayang malusog at payapa. Sa kaso natin, ngayon ang naaakmang panahon upang mangarap gaya ng nasabi ko. Kung hindi tayo ang mangangarap para sa Pilipinas, sino? Kung hindi sila kikilos, sino? Kung hindi ngayon, kalian pa?





Unti-unting nagiging bigating artista si HIV/AIDS,artistang hindi sikat, ngunit artistang kumakalat, artistang nagiging pabigat sa lipunang patuloy na naghihirap. Ako’y namamalat. At ang artistang ito ay nararapat na pigilan. Katunggali ng adbokasiya natin ang nanggagalaiting HIV/AIDS. At alam ko na sa bawat interpersonal na komunikasyon na nagawa ng bawat isa sa atin ay malaking ambag na sa maliit na lipunang ginagalawan natin.





May kapiraso ng langit na rito makakamit. Dito, sa tanggapan ng Kagawaran ng Kalusugan, kung saan ang mga anghel ay literal na nakaputi at ang tanging panagarap ng mga ito ay makitang walang namamatay sa traydor na karamdaman.





Ito ang langit, tayo ang mga anghel at ang HIV/AIDS ay mga kaluluwang ligaw na kinatatakutan ng mga taong hindi itokilala. Gaya ng kaluluwa,hindi rin nakikita ng mga mata ang HIV/AIDS, walang signos, walang tiyak na sintomas. Totong langit ito dahil kahit ilang beses ko nang naranasan ang mga ganitong uri ng pagtitipon ng mga kabataan mula sa iba’t ibang pamumuhay, ugali, at mukha, mula sa iba’t ibang sulok ng bansa, at iba’t ibang lupalop ng mundo,may kakaiba pa rin akong natutunan rito. Natutunan kong pahalagahan ang buhay gaya ng perang medaling nauubos, kandilang nauupos, at pelikulang natatapos. Na ang buhay ang dapat unahin higit sa anu pa man. Na ang buhay tulad ng salamin,nababasag at nabubuo ngunit magkakalamat at magkakalamat. Na ang buhay ay nararapat na igalang pagkat ito’y hiram na pagkakataon lamang.





At lahat ng mga bagong karanasan ko ay iniaalay ko sa mga taong naging mahalagang bahagi ng pakikipaglaban na ito sa sakit na HIV/AIDS. Nagpapasalamat ako sa mga nagsilbing ama at ina natin sa CHD; sila na nagbigay ng direksyon upang magawa ang isang tungkuling makabayan. Kay Mam Malou, na tumanggap sa akin pagkatapos ng pakikipanayam. Kay sir Jed na unang nagbitiw ng payo sa aming magkakaklase sa mga dapat gawin. Sa lahat ng mga neging mentor namin na naging masipag na kabahagi ng programang ito. Sa aming mentor sa Social Hygiene Clinic sa Maynila, kay Mam Malou Tan at Mam Mendoza na gumabay sa amin sa pagsasagawa ng interpersonal na komunikasyon at assembly na nakasentro sa HIV/AIDS.





At sa aking dalawang kaklaseng sina Rachel at Vina sumama sa mabuting landas na ito.
Sa mga kapwa ko Young Advocates na nakapalitan ko ng mga intelehenteng prinsipyo, nakakaawang sentimyento, nakakatawang panloloko at karanasang di mababago.
Sa mga kaeskwela ko, sa nagpaalam sa akin ng trabahong ito Benjamin Pelayo. At sa nagrerepresenta ng buong Young Advocates,Mharhorie Quezada. Mabuhay ang Sintang Paaralan.
Samga kasama ko sa Manila Team, pagpupugay sa atin at sa lahat ng lokal ng Pambansang Punong Rehiyon.





Sana hindi lang tayo ang may pangarap para maging malusog at malayo sa sakit ang bawat mamamayang Pilipino. Sana pagkatapos ng programang ito ay magsimula tayo. Simulan sa sarili. Baguhin ang naliligaw na konsepto ng pakikipagtalik. Pigilan ang tukso. Iwasan ang maagang pagsosolo. Ngunit huwag hayaang tumibok ang puso, para sa malawak na pangarap, para sa bayan.
At sana, manganak nang manganak nang manganak pa an gating mga salita hanggang sa ang lahat ay makilala kung sino si HIV, kung sino si AIDS,kung gaano karaydor ang dalawa, at kung paano nila sinisira ang buhay.








“Make the today be the best of this generation, and the worst of the future generation.”

---Emmanuel Bagual, Nominated as Nobel Peace Prize nominee




*PAGPUPGAY SA MGA MINAMAHAL KONG YOUNG ADVOCATES! SULONG!