Monday, June 14, 2010

UNITED NATIONS' 4TH MDG SUMMIT














Ito ay ilan sa mga litrato mula sa naganap na ika-apat na UN MDG SUMMIT na ginanap sa Nuversity of the Philippines-National College of Public Administration and Governance.

May Kapiraso ng Langit na rito Makakamit





Paano kung sa pagkakataong ito ay malalaman ninyong positibo ako sa nakamamatay na sakit? Paano kung kalahati sa mga narito ay nababagabag na kung paano nila gugugulin ang buhay nila? Paano kung isa ka rin sa kanila? Paano mo tatanggalin ang takot at pangamba? Paano mo sisikaping buhayin ang pangarap mo gayong sa isipmo, mamatay ka na kinabukasan. Ilan lamang ito sa mga katanungang nais kong itanong sa mga tao upang sa simula’t sapul ay magampanan ko ang tungkulin ko bilang kabataan na itulak ang bayan, kung hindi sa kahirapan, sa matinong kalusugan.




Hanggang sa napasama ako sa programang ito. Gaya ng mga aktibistang sumisigaw sa kalye, gaya ng mga hayop na nagsusumamong huwag katayin, gaya ng mga presong nagnanais na makalaya. Ganyan ang pakiramdam ng pagiging Young Advocate--- may malakas na boses, at kayang isigaw ngunit iilan ang handang making… nang tunay. Gayumpaman, hindi iyon balakid sa mga taong may tunay na malasakit sa naghihingalong Lupang Hinirang. Ang bawat salita ay pagbabago, at ang pagbabagong iyon ay magtatapos sa isang salita: KALUSUGAN.





Ang HIV/AIDS masaklap na bangungot. Ang ating adbokasiya ay isang pangarap. Ang kinabukasan, isang umaga. Hindi kop o alam kung paano sasabihin ngunit ako po ay isa sa mga tunay na nangangarap para sa nakangiting lipunan baling araw: lipunang walang hinangad kundi magkaroon ng mamamayang malusog at payapa. Sa kaso natin, ngayon ang naaakmang panahon upang mangarap gaya ng nasabi ko. Kung hindi tayo ang mangangarap para sa Pilipinas, sino? Kung hindi sila kikilos, sino? Kung hindi ngayon, kalian pa?





Unti-unting nagiging bigating artista si HIV/AIDS,artistang hindi sikat, ngunit artistang kumakalat, artistang nagiging pabigat sa lipunang patuloy na naghihirap. Ako’y namamalat. At ang artistang ito ay nararapat na pigilan. Katunggali ng adbokasiya natin ang nanggagalaiting HIV/AIDS. At alam ko na sa bawat interpersonal na komunikasyon na nagawa ng bawat isa sa atin ay malaking ambag na sa maliit na lipunang ginagalawan natin.





May kapiraso ng langit na rito makakamit. Dito, sa tanggapan ng Kagawaran ng Kalusugan, kung saan ang mga anghel ay literal na nakaputi at ang tanging panagarap ng mga ito ay makitang walang namamatay sa traydor na karamdaman.





Ito ang langit, tayo ang mga anghel at ang HIV/AIDS ay mga kaluluwang ligaw na kinatatakutan ng mga taong hindi itokilala. Gaya ng kaluluwa,hindi rin nakikita ng mga mata ang HIV/AIDS, walang signos, walang tiyak na sintomas. Totong langit ito dahil kahit ilang beses ko nang naranasan ang mga ganitong uri ng pagtitipon ng mga kabataan mula sa iba’t ibang pamumuhay, ugali, at mukha, mula sa iba’t ibang sulok ng bansa, at iba’t ibang lupalop ng mundo,may kakaiba pa rin akong natutunan rito. Natutunan kong pahalagahan ang buhay gaya ng perang medaling nauubos, kandilang nauupos, at pelikulang natatapos. Na ang buhay ang dapat unahin higit sa anu pa man. Na ang buhay tulad ng salamin,nababasag at nabubuo ngunit magkakalamat at magkakalamat. Na ang buhay ay nararapat na igalang pagkat ito’y hiram na pagkakataon lamang.





At lahat ng mga bagong karanasan ko ay iniaalay ko sa mga taong naging mahalagang bahagi ng pakikipaglaban na ito sa sakit na HIV/AIDS. Nagpapasalamat ako sa mga nagsilbing ama at ina natin sa CHD; sila na nagbigay ng direksyon upang magawa ang isang tungkuling makabayan. Kay Mam Malou, na tumanggap sa akin pagkatapos ng pakikipanayam. Kay sir Jed na unang nagbitiw ng payo sa aming magkakaklase sa mga dapat gawin. Sa lahat ng mga neging mentor namin na naging masipag na kabahagi ng programang ito. Sa aming mentor sa Social Hygiene Clinic sa Maynila, kay Mam Malou Tan at Mam Mendoza na gumabay sa amin sa pagsasagawa ng interpersonal na komunikasyon at assembly na nakasentro sa HIV/AIDS.





At sa aking dalawang kaklaseng sina Rachel at Vina sumama sa mabuting landas na ito.
Sa mga kapwa ko Young Advocates na nakapalitan ko ng mga intelehenteng prinsipyo, nakakaawang sentimyento, nakakatawang panloloko at karanasang di mababago.
Sa mga kaeskwela ko, sa nagpaalam sa akin ng trabahong ito Benjamin Pelayo. At sa nagrerepresenta ng buong Young Advocates,Mharhorie Quezada. Mabuhay ang Sintang Paaralan.
Samga kasama ko sa Manila Team, pagpupugay sa atin at sa lahat ng lokal ng Pambansang Punong Rehiyon.





Sana hindi lang tayo ang may pangarap para maging malusog at malayo sa sakit ang bawat mamamayang Pilipino. Sana pagkatapos ng programang ito ay magsimula tayo. Simulan sa sarili. Baguhin ang naliligaw na konsepto ng pakikipagtalik. Pigilan ang tukso. Iwasan ang maagang pagsosolo. Ngunit huwag hayaang tumibok ang puso, para sa malawak na pangarap, para sa bayan.
At sana, manganak nang manganak nang manganak pa an gating mga salita hanggang sa ang lahat ay makilala kung sino si HIV, kung sino si AIDS,kung gaano karaydor ang dalawa, at kung paano nila sinisira ang buhay.








“Make the today be the best of this generation, and the worst of the future generation.”

---Emmanuel Bagual, Nominated as Nobel Peace Prize nominee




*PAGPUPGAY SA MGA MINAMAHAL KONG YOUNG ADVOCATES! SULONG!

Saturday, March 27, 2010

VICE VERSA

Naisip ko lang kung anong kalalagyan
Kung baligtad ang mundong tinatapakan


Paano kaya kung nasa Kanluran ang Pilipinas?
Kung nasa dakong hilaga pa.

Paano kaya kung Iisang pulo lamang ang Pilipinas?
At ang Luzon ay wala
At ang Visayas ay wala
At ang Mindanao ay isang panaginip.

Paano kaya kung ang Lengguwahe natin ay hindi Filipino?
Ni hindi Ingles
Hindi Kastila
Paano kung Suwahili?

Paano kung hindi tayo Nasakop?

Kung ang bida sa Noli ay hindi si Ibarra kundi si Bonifacio. . .
At kung ang Noli ay Ingles
Saan tayo dadalhin?

Kapag ang lupa nga naman ay hindi na mabago
Kahit taniman o diligan
Kape pa ring naturingan

Nabubusabos ang tubig
Ngunit tubig pa rin

Animo’y tadhanang tulad ng unang istansa
Na gusting baguhin ang lahat

Mula sa kasaysayang nakasanayan
Tungo sa kasalukuyang inaasam

Naglalaro lang ang isip.

Paano nga kaya?

Kung ang bansa ay Mayaman
Kung Maharlika ang opisyal na ngalan
Kung hindi Republika
O maliit


Walang demokrasya, paano gagalaw?
Pati sisigaw.

Sakaling hindi pula, dilaw, asul at puti,
Maka-Diyos ka pa ba?
Makatao, Makakalikasan
at Makabansa?

Sakaling walang Maynila
o kahit salitang Probinsya
lalanghap ka pa ban g sariwang Hangin
sa Bahay-Kubo
ni Ingkong?

O mapapaaba ka pa ba sa kwento ni lola,
sa alamat
at epiko ni Lam-Ang

Paano kung iisa lang ang alam mong gawin
Ang baligtarin ang lahat
Ang isip ng katabi mong walang inisip kundi kasamaan
Ang paikutin ang mundo palayo sa araw at palapit sa buwan

Paano kung ikaw ang makapagbabago sa mundo
Ngunit magiging komplikado ang mga bagay dito
At tataas ang kilay ng lahat n tao
Papayag ka pa ba
o palalampasin mo na lang?

Paano kung baligtad ang ulo at ang paa ang ulo?
Anong gagamitin mo sa paglakad?

MATAPOS ANG ELEKSYON.

Natutuwa ako sa resulta ng eleksyon sa kolehiyo ng komunikasyon. Talagang pinag-isipan ng mga estudyante ang mga mauupo sa silya ng konseho ng mag-aaral sa kolehiyo.




Kasabay nito ay ang pagpasok ko sa theater sa COC. napakalaki at laking panghihinayang ko lang nang maipasa na ito sa buong PUP at hindi na pagmamay-ari ng COC.



May isang bagay lamang ang gumimbal sa akin. Ngunit ngayon, naisip kong pagsubok lamang iyon.





AKALA ko tapos na.






AKALA KO ENDING NA!








HINDI PA PALA.







PERO ENDING NA RAW!






ang gulo!






pero ngayon, start na ng buhay, buhay na totoo.





Lagi namang ganito.







May mga tao.






na pumapasok.






Lalabas.






iiyak.




kami ay tutuloy!

PAGKAT MAGPINSAN SI PYLON AT ANG SULO. . .

Nakakatuwang isipin na dahil sa eleksyon ay nabuhay ang pagkilala ko sa ibang bahagi ng mundo, muli.





Ang dami kong natutunan bago maganap ang madugong eleksyon sa kolehiyo.




Natutunan kong:





1. Ang eleksyon sa PUP ay parang eleksyon sa PILIPINAS, national! may mga nagaganap na anomalya!






2. Ang isinusulong namin ay mas mainam kaysa sa kung kaninuman. Ngunit nirerespeto namin sila.





3. Masaya palang mangarap nang para sa lipunan, para sa bansang demokratiko. Yung walang batang mahihirapang matulog sa kalye. Yung walang batang mamamalimos. Yung walang batang hindi makapag-aaral. Yung walang batang mamamatay sa gutom. Marami. Kung demokratiko tayo, lahat tayo pantay-pantay. Walang naaapi.





4. May mga taong susubok sa paninindigan mo sa oras ng eleksyon ngunit kung alam mong mananalo ka gaya ng naramdaman ko. Ibubulong mo na lang sa hangin na: MANANALO NAMAN AKO, ANO SA PALAGAY MO ANG MAGAGAWA NG SINASABI MO!





5. May tutulong at tutulong sa isang samahan. Salamat kila at TOOOOOt at ate TOOOOT! na walang sawang tumulong na pag-igihin namin ang aming pangangampanya! Salamat din sa mga PNUans! Salamat sa lahat ng miyembro ng MASP! Sa lahat ng miyembro ng AKBYAN! Sa Opis ni kuya TOOOOT!





6. KAPAG MALINAW ANG PANGARAP MO PARA SA KINALULUGARAN MO, MANANALO'T MANANALO KA SA PUSO NGMGA TAO.






7. Pwedeng maging number 1 ka sa UNANG CANVASSING ng BALLOTS! Pero sa 2nd day, pwedeng mawala ka at bumalik sa TOP 4.






8. Kung walang kikilos para gumagawa ng paraphernalia ng mga kandidato, kahit kandidato na ang kumilos, o kahit kami-kami na lamang upang maisakatuparan ang lahat.






9. Ang PNU ang sandigan ng pagbangon namin mula sa PUP.





10. Mas masarap magbilang ng boto (nung 1st year ako) kaysa maghintay sa resulta habang di ka makatulog.





11. Marami pa akong magagawa sa lipunan, binabalak kong maging FULL TIME AKBAYAN YOUTH.







12. Minsan, nakakalimutan kong magsulat pero hindi nawawala sa isip ko iyon.








13. May masasaktan pero sa dulo, intindihan lamang.





14. ANG PROBLEMA NG DE LA SALLE UNIVERSITY AY PROBLEMA NG MGA TAGA-PUP kahit pa private sila at public lamang kami.





15. Kailangan naming maging SOBRANG PROUD DAHIL HINDI KAMI PINIPILIT MAG-UNIFORM. Tanda iyon ng kalayaan!






16. DADAMI ang suporta mo lalo kung maninindigan ka at tuturuan ka ng tamang asta sa PUBLIC SPEAKING.






MARAMING SALAMAT SA LAHAT NG TUMULONG SA AMIN UPANG MANALO!









LAHAT TAYO AY AAHON.









LAHAT TAYO AY MANGANGARAP . . .










PARA SA DEMOKRATIKO,











RESPONSABLE,









at REPRESENTANTENG












KONSEHO NG MAG-AARAL!















*SALAMAT PNUANS!







SALAMAT!




Si PYLON NG PUP at ANG SULO ng PNU ay tunay na magkadugo!

Monday, January 18, 2010

Kampai!



Agosto 16, 2009


“Kampaaaay!”

“Kampaay! . . .Kampay!”


Layang umiihip sa dingding ng aking tainga, banyagang kataga

binitawan ng mga estrangherong pamilya

sa loob ng

s a m p u n g

a r a w

sa birheng lupang uhaw sa aking paa

paang angkas ang pitong libong kapuluan


Namalagi sa kalupaang hilaw sa paningin, ang lahat ay iba:

madalas magtago ang

a r a w

sa mahahagway na gusaling abot ang kaulapan,

‘di masiyasat ang

b u w a n

magdamag tulala sa kawalan,

ang

t a l a

argabyado ng pagod, pangarap at pag-asa, at

mahirap masakyan ang mga

u l a p

sapagkat mailap.


Nabuklat lamang ang araling panlipunan ko. Pagkat sa kamay nilang bakal

liping Pilipino, kababaihan

dumanas ng pag-aalipusta


Di namin iyon nadama: walang giyera

sa likod ng aming

s i n t i d o

ni kulay ng balat, di naging

h a r a n g

sa tunay na

p a k a y

at

m i t h i

ng ipinunta

Palitan ng ideya, ideyang

binuro para sa pagpapayaman ng

p a n g a l a n

at

k u l t u r a.


Muling pumasok ang kanilang tinig: Kampaaay!

Kampaaaay! Nakikipagsabayan sa bawat tinig, Kampaay!

hanggang sa muling lalayo ang mga notang walang tunog

nagpapahabol, tila nahahawakan

magpapahuli sa aking palad ngunit nang buksan

wala

‘lang tono, ‘lang tunog

‘lang nota

maging salita, ‘la na.

Bukas, ang larawan ay magbabalik

Pagkatapos ng masidhing pagkawala nito sa sensitibong

lente ng kamerang

ipinahiram lang ng kaibigan


Bukas maibabalik ko na ang “kampay”, salitang binibitawan

ng mga lasenggero sa kanto

ng mga tiyuhin kong umiinom

ng ama ko tuwing katabi ang alak

ng sambayanan tuwing may pista

isalin mo sa wika nila,

diksyunaryong saklaw ang kambal na wika,

sa atin at Nihongo.


Sa aking kaso ---

‘di ko napigilan ang isa

tatanawin ko

habambuhay



k a m p a i -

k a t a g a n g

b i n i b i g k a s

s a

m g a

p a g d i r i w a n g

( p a g d i d i k i t

n g

m g a

b a s o

n g

a l a k )

n a

n a n g a n g a h u l u g a n g

s a l a m a t

o

d i

k a y a y

p a a l a m.


Friday, January 8, 2010

Pilipinas


Setyembre 13, 2009


Kung isulat ang Pilipinas, mahaba

tulad ng kasaysayan

na nagkandarapa

para sa payapa

at digma ay humupa


Kung sambitin ang Pilipinas, makasilangan

tulad ng araw

‘di sumilip, ni sumingaw

noong panahon ng mga mang-aagaw

‘di siya lumitaw


Kung tingnan ang Pilipinas, sanggol

tulad ng kalayaang ipinagtanggol

sa lupain, unang umungol

sumugod at ikinahon

para sa unang republikang iniahon


Kung ang Pilipinas ay . . .

sana ay tunay

dugtungan ang buhay ng kahapong namatay

ibangon ang lumipas na republika ni itay

baka sakaling maituwid ang landas ng pulitikang latay


Ngunit kung ang Pilipinas ay hindi Pilipinas

magigising ka pa ba para sa pandesal at gatas?

ngingiti ka pa ba kahit minamalas?

hindi, sabi ni Lukas

pagkat lahat ng orihinal na hagikgik at hagalpak sa problemang di malutas

sa Pilipinas

lamang mararanas

pagkat dito, aroganteng kahirapan man ay piliting iasa sa bukas

lahi, di kakalas

lalong di tatakas