
Kung isulat ang Pilipinas, mahaba
tulad ng kasaysayan
na nagkandarapa
para sa payapa
at digma ay humupa
Kung sambitin ang Pilipinas, makasilangan
tulad ng araw
‘di sumilip, ni sumingaw
noong panahon ng mga mang-aagaw
‘di siya lumitaw
Kung tingnan ang Pilipinas, sanggol
tulad ng kalayaang ipinagtanggol
sa lupain, unang umungol
sumugod at ikinahon
para sa unang republikang iniahon
Kung ang Pilipinas ay . . .
sana ay tunay
dugtungan ang buhay ng kahapong namatay
ibangon ang lumipas na republika ni itay
baka sakaling maituwid ang landas ng pulitikang latay
Ngunit kung ang Pilipinas ay hindi Pilipinas
magigising ka pa ba para sa pandesal at gatas?
ngingiti ka pa ba kahit minamalas?
hindi, sabi ni Lukas
pagkat lahat ng orihinal na hagikgik at hagalpak sa problemang di malutas
sa Pilipinas
lamang mararanas
pagkat dito, aroganteng kahirapan man ay piliting iasa sa bukas
lahi, di kakalas
lalong di tatakas
No comments:
Post a Comment