







Ito ay ilan sa mga litrato mula sa naganap na ika-apat na UN MDG SUMMIT na ginanap sa Nuversity of the Philippines-National College of Public Administration and Governance.
May mga kwentong mahirap isulat dahil sa baka maulit ang kwento. May mga kwentong milyong beses kung pag-isipan. Mayroon ding mga kwentong basura kahit engrande na ang naisip ng sintido. Pero may mga kwentong hataw sa porma at astig sa paglalarawan. Ito ang mga kwentong biglaan kung dumating. Susulpot na animo kabute. At lalabas na maaliwalas sa utak.
Agosto 16, 2009
“Kampaaaay!”
“Kampaay! . . .Kampay!”
Layang umiihip sa dingding ng aking tainga, banyagang kataga
binitawan ng mga estrangherong pamilya
sa loob ng
s a m p u n g
a r a w
sa birheng lupang uhaw sa aking paa
paang angkas ang pitong libong kapuluan
Namalagi sa kalupaang hilaw sa paningin, ang lahat ay iba:
madalas magtago ang
a r a w
sa mahahagway na gusaling abot ang kaulapan,
‘di masiyasat ang
b u w a n
magdamag tulala sa kawalan,
ang
t a l a
argabyado ng pagod, pangarap at pag-asa, at
mahirap masakyan ang mga
u l a p
sapagkat mailap.
Nabuklat lamang ang araling panlipunan ko. Pagkat sa kamay nilang bakal
liping Pilipino, kababaihan
dumanas ng pag-aalipusta
Di namin iyon nadama: walang giyera
sa likod ng aming
s i n t i d o
ni kulay ng balat, di naging
h a r a n g
sa tunay na
p a k a y
at
m i t h i
ng ipinunta
Palitan ng ideya, ideyang
binuro para sa pagpapayaman ng
p a n g a l a n
at
k u l t u r a.
Muling pumasok ang kanilang tinig: Kampaaay!
Kampaaaay! Nakikipagsabayan sa bawat tinig, Kampaay!
hanggang sa muling lalayo ang mga notang walang tunog
nagpapahabol, tila nahahawakan
magpapahuli sa aking palad ngunit nang buksan
wala
‘lang tono, ‘lang tunog
‘lang nota
maging salita, ‘la na.
Bukas, ang larawan ay magbabalik
Pagkatapos ng masidhing pagkawala nito sa sensitibong
lente ng kamerang
ipinahiram lang ng kaibigan
Bukas maibabalik ko na ang “kampay”, salitang binibitawan
ng mga lasenggero sa kanto
ng mga tiyuhin kong umiinom
ng ama ko tuwing katabi ang alak
ng sambayanan tuwing may pista
isalin mo sa wika nila,
diksyunaryong saklaw ang kambal na wika,
sa atin at Nihongo.
Sa aking kaso ---
‘di ko napigilan ang isa
tatanawin ko
habambuhay
k a m p a i -
k a t a g a n g
b i n i b i g k a s
s a
m g a
p a g d i r i w a n g
( p a g d i d i k i t
n g
m g a
b a s o
n g
a l a k )
n a
n a n g a n g a h u l u g a n g
s a l a m a t
o
d i
k a y a ‘ y
p a a l a m.
Kung isulat ang Pilipinas, mahaba
tulad ng kasaysayan
na nagkandarapa
para sa payapa
at digma ay humupa
Kung sambitin ang Pilipinas, makasilangan
tulad ng araw
‘di sumilip, ni sumingaw
noong panahon ng mga mang-aagaw
‘di siya lumitaw
Kung tingnan ang Pilipinas, sanggol
tulad ng kalayaang ipinagtanggol
sa lupain, unang umungol
sumugod at ikinahon
para sa unang republikang iniahon
Kung ang Pilipinas ay . . .
sana ay tunay
dugtungan ang buhay ng kahapong namatay
ibangon ang lumipas na republika ni itay
baka sakaling maituwid ang landas ng pulitikang latay
Ngunit kung ang Pilipinas ay hindi Pilipinas
magigising ka pa ba para sa pandesal at gatas?
ngingiti ka pa ba kahit minamalas?
hindi, sabi ni Lukas
pagkat lahat ng orihinal na hagikgik at hagalpak sa problemang di malutas
sa Pilipinas
lamang mararanas
pagkat dito, aroganteng kahirapan man ay piliting iasa sa bukas
lahi, di kakalas
lalong di tatakas