Wednesday, December 16, 2009

THE 50 MOST MEMORABLE MOMENTS IN PHILIPPINE CINEMA

DEKADA 50


1
Tinakasan na ng katinuan si Anita Linda bilang Sisa at tinatawag ang pangalan ng mga nawawalang anak na sina Crispin at Basilio. Magiging ehemplo ito ng tour de force acting at gagayahin ng maraming nagtatangkang maging artista. (SISA, 1951; Gerry de Leon, Director)

2
Nilili-lipsync ni Nida Blanca sa screen ang Waray-waray, originally voiced by Sylvia La Torre. The song became so popular at nagkaroon pa ng sarili nitong version ang black Hollywood singer na si Eartha Kitt. (WARAY-WARAY, 1953; Manuel Conde, Director)

3-4
Kinakanta ni Edna Luna as Dyesebel ang theme song na Bakit Kaya, at ang pagsabog ng bulkan sa climax ng movie. (DYESEBEL, 1953; Gerry de Leon, Director)

5
Ang paglilibing sa Chinese actress na si Lola Young sa gitna ng dagat habang unti-unting binibitawan ang kanyang bangkay mula sa isang boat at lumulubog iyon sa tubig. (SANDA WONG, 1955; Derry de Leon, Director)

6
Ang passionate love scene nina Rosa Rosal at Tony Santos sa mga guho ng Intramuros na revolutionary na nang mga panahong iyon. (ANAK DALITA, 1956; Lamberto Avellana)

7
Ang ending na hinahaplos ni Rosa Rosal ang ararong naiwan ng yumaong asawa, Tony Santos, pagkatapos ng maraming paghihirap at pagsubok na dinaanan nila ng mga anak niya. (BIYAYA NG LUPA, 1959; Manuel Silos, Director)


DEKADA 60

8-9
Nang Makita ni Edita Vidal as Maria Clara ang isang taong may ketong sa kalye at lapitan niya ito. At ang pagtatagpo nina Elias (Leopoldo Salcedo) at Sisa (Lina Cariño) sa ending na kapwa sila malapit nang mamatay at inutusan ni Elias ang batang si Basilio na sunugin ang kanilang mga bangkay. (NOLI ME TANGERE, 1961; Gerry de Leon, Director)

10-11
Torture scene kay Moises (Leopoldo Salcedo), at ang eksenang pangkupangko ng Pangulong Ramon Magsaysay ang walang buhay niyang katawan. (THE MOISES PADILLA STORY, 1961; Gerry de Leon, Director)

12
Ang tagpong dala-dala na ni Simoun (Pancho Magalona) ang kahon ng kanyang kayamanan at kanya yung itinapon sa ilog pagkatapos ng kanyang nabigong paghihiganti sa mga Kastila. (EL FILIBUSTIRISMO, 1962; Gerry de Leon, Director)

13
Sa wakas ay dumating din ang ulan at nagbunyi ang mga magsasaka habang bumubuhos ang ulan. Nagtatalunan sila sa tuwa sa gitna ng ulanan. (DAIGDIG NG MGA API, 1965; Gerry de Leon, Director)

DEKADA 70

14
Ini-interview si Rita Gomez ng movie press at ang isinasagot niya ay mga kasinungalingang impormasyon na kunwari ay nakatuntong siya ng college at nag-aral sa “Parestern” (Far Eastern University). (PAGDATING SA DULO, 1971; Ishmael Bernal, Director)

15-16
Nadiskubre ni Christopher de Leon ang kanyang ama (Eddie Garcia) habang may kinukubabawang babae sa loob ng kanilang kamalig. Isa pang memorable scene nang pinagtatawanan ang village idiot na si Kuala (Lolita Rodriguez) at siya ay napaihi. (TINIMBANG KA NGUNIT KULANG, 1971; Lino Brocka, Director)

17
Very memorable ang last scene sa movie na dinalaw ni Hilda Koronel sa bilangguan ang kanyang ina . Ito rin ang first Filipino film na itinanghal sa prestigious Cannes Film fest. (INSIANG, 1976, Lino Brocka, Director)

18
Hinabol ni Nora Aunor, bilang Pilipinang naanakan ng isang opisyal na Hapon (Christopher de Leon), si Christopher sa kalye at nagsisisigaw siya ng “Sinungaling! Sinungaling!”. (TATLONG TAONG WALANG DIYOS, 1976; Mario O’Hara, Director)

19
Sino ang makakalimot sa eksenang umiiyak si Nora Aunor sa harap ng kabaong ng kanyang kapatid at ipinahayag niya: “My brother is not a pig!” (MINSA’Y ISANG GAMO-GAMO, 1976; Lupita Concio, Director)

20
Ang childbirth scene si Elizabeth Oropesa na pinaaanak siya nina Daria Ramirez at Rustica Carpio. It signals the birth of another life in bleak surroundings. (NUNAL SA TUBIG, 1976; Ishmael Bernal, Director)

21
Ang 15-minute nonstop, breathtaking dance number ni Vilma Santos on Stage kunsaan ang layunin pala niya ay malaglag ang sanggol sa kanyang sinapupunan. (BURLESK QUEEN, 1977; Celso Ad. Castillo)

22
Nagkagulu-gulo ang mga mag-asawa dahil sa pagtataksil pero tahimik na nag-uusap ang mga nangaliwang sina Vic Vargas at Gloria Diaz, realizing na walang ibang dapat sisihin sa nangyari kundi sila rin dahil mahilig silang pumasok sa gulo. (SINO’NG KAPILING? SINO’NG KASIPING?, 1977; Eddie Romero, Director)

23
Confrontation scene nina Lolita Rodriguez at Charito Solis kunsaan nagpatalbugan talaga sa acting ang two of the best actresses in Philippine cinema. (INA, KAPATID, ANAK, 1978; Lino Brocka, Director)

24
Ang overextended and very daring ending na walang ginawa sina Nora Aunor as Teresa and Vilma Santos as Sandra kundi magtitigan lang nang magtitigan nang wala kahit isang line of dialogue. (IKAW AY AKIN, 1978; Ishmael Bernal, Director)

25
Nang matuklasan na ni Nora Aunor ang kataksilan ng kanyang ina at asawa at tila siya naririmarim na napaurong habang madamdaming inuusal: “Hayop! Hayop!” (INA KA NG ANAK MO, 1979; Lino Brocka, Director)

Dekada 80

26
Nalaman ni Bona (Nora Aunor) ang ginagawang pagtataksil sa kanya ni Philip Salvador at nang maliligo na ito ay binubuhusan niya ng kumukulong tubig ang pampaligo nito. (BONA, 1980; Lino Brocka, Director)

27
Ang violent massacre scene na pinagpapatay ni Vic Silayan ang buong pamilya niya, including wife, Charito Solis, daughter Charo Santos and son-in-law Jay Ilagan, bago siya nagbaril sa sarili niya. (KISAPMATA, 1981; Mike de Leon, Director)

28-29-30
Para itong Rashomon probing into the nature of truth. Napatay rito si Dennis Roldan and there are three versions kung paano nangyari ito. Sa una, pinagtanggol lamang ni Gina Alajar as Salome ang kanyang sarili dahil gusto siyang gahasain ni Dennis. Sa ikalawa, natuklasan ng asawa ni Gina na si Johnny Delgado ang pagtataksil nila ni Dennis at napatay niya ito dahil gusto pa ring ituloy ang relasyon nila kahit kumakalas na siya. Sa ikatlo, inutusan siya ni Johnny na patayin ito bilang parusa sa pangangaliwa nila. Ang aktuwal na pagpatay o murder scene was staged sa iba’t ibang paraan, all memorable, at bahala na ang viewers humusga kung alin ang paniniwalaan nila. (SALOME, 1981; Laurice Guillen, Director)

31
Death scene ni Christopher de Leon kunsaan tarantang-taranta si Vilma Santos at hindi malaman ang gagawin habang namimilipit sa sakit ang lalaking may ibang asawa na kinakasama niya. (RELASYON, 1982; Ishmael Bernal, Director)

32
Binaril si Nora Aunor as Elsa, the fake visionary, habang sumisigaw siya ng “Walang himala, nasa puso ang himala,” na hanggang ngayon ay paboritong gayahin ng mga bading. (HIMALA, 1982; Ishmael Bernal, Director)

33
Ang decapitation scene kay Vic Silayan kunsaan ang pumugot sa ulo niya ay ang sariling anak na si Philip Salvador dahil pinakikialaman niya ang misis nitong si Cecille Castillo. (KARNAL, 1983; MArilou Diaz-Abaya, Director)

34
Nang mamatay na si Ka Dencio (Tony Santos) and Vilma Santos as Sister Stella exhorts the workers to join in the struggle of the oppressed. Dito niya diniliver ang immortal na lines na patungkol din sa mapaniil na rehimeng Marcos that time: “Kung ‘di tayo kkilos, sino ang kikilos? Kung ‘d ngayon, kalian pa?” (SISTER STELLA L, 1984; Mike de Leon, Director)

35
Nang mag-reunite ang mag-inang Nida Blanca at Aga Mulach after 15 years. Si Nida, kahit nakatalikod dito at nagpupunas lang ng pinggan, makikita mong umaarte in character talaga. (MIGUELITO, BATANG REBELDE, 1985; Lino Brocka, Director)

36
Ang pagsuko ni Turing (Philip Salvador) sa mga pulis matapos siyang masangkot sa pagnanakaw pero nauwi sa putukan at sa kanyang pagkamatay. (KAPIT SA PATALIM, BAYAN KO, 1985; Lino Brocka, Director)

37
Ang nervous breakdown ni Amy Austria. (HINUGIT SA LANGIT, 1985; Ishmael Bernal, Director)

38
Ang death scene sa dalampasigan that celebrates the value of life. Yakap-yakap si Vilma Santos ng kaibigan niyang artist, played by Eric Quizon, at hanggang sa huling sandal in her white night giwn at habang nagbubukang-liwayway to signal the start of a new day, ipinapahayag niyang kay ganda ng buhay. (PAHIRAM NG ISANG UMAGA, 1989; Ishmael Bernal, Director)

DEKADA 90 AT ANG BAGONG MILENYO

39
Tinalikdan ni Maricel Soriano ang lalaking pakakasalan niya, si Richard Gomez, who has betrayed her before. (IKAW PA LANG ANG MINAHAL, 1992; Carlos Siguion-Reyna, Director)

40
Nora Aunor in prison declaring: “I did not kill anybody.” (FLOR COMTEMPLACION STORY, 1995; Joel Lamangan, Director)

41
Vilma Santos saying “Wala akong ginagawang mali.” With her son Carlo Aquino shouting at her. “Akala mo lang wala, pero meron, meron, meron!” (BATA, BATA, PAANO KA GINAWA?, 1998; Chito Roño, Director)

42
Sharon Cuneta saying to Christopher de Leon: “Tama ka, I’m just your wife. Asawa mo lang ako.” (MADRASTA, 1996; Olivia Lamasan, Director)

43
Nang bumalik na si Albert Martinez sa kanyang asawa (Sharon Cuneta) nang nagsisi at humihingi ng tawad, pero hindi na siya tinanggap pang muli. (NANG INIWAN MO AKO, 1997; Joey Reyes, Director)

44
Dinalaw ni Nida Blanca sa ospital ang naging kerida ng mister niya, si Angel Aquino, pagkatapos nitong magsilang. (SANA PAG-IBIG NA, 1998; Jeffrey Jeturian, Director)

45-46
Two scenes: ang tagpong nangungumunyon si Gloria Romero ang she surrenders all her problems to the Lord, at ang tagpong kumakanta si Carol Banawa ng isang religious song, Panunumpa. Narinig iyon ni Gloria na may Alzheimer’s Disease na, at lumabas siya dahil muli niyang nakilala ang apo niya. (TANGING YAMAN, 2000; Laurice Guillen, Director)

47
Ang final scene na paalis na si Alessandra de Rossi pagkatapos na maipanalo niya ng first prize sa isang competition ang mga batang sinanay niya sa pagkanta. (MGA MUNTING TINIG, 2002; Gil Portes, Director)

48
Ang dinner scenena pinatay ni Lolita de Leon si Albert Martinez, matapos niyang marealize na hindi siya balak seryosohin nito, sa pamamagitan ng paghahalo ng muriatic acid sa pagkain nito. (LAMAN, 2002; Maryo de los Reyes, Director)

49
Si Jiro Manio habang sinusukatab ang lola niyang si Gloria Romero para igawa ito ng kabaong. (MAGNIFICO, 2003; Maryo de los Reyes, Director)

50
Ang lovemaking scene nina Cherry Pie Picache at Alfred Vargas na pinipilit pinapatay ng una ang ilaw at binubuksan namang muli ng huli. (BRIDAL SHOWER, 2003; Jeffrey Jeturian, Director)

(isinulat ni Mario E. Bautista,, beteranong manunulat at fil critic at isa rin sa founding members ng Urian at Star Awards for Movies)


Source: Hi! Magazine, May 2007 Issue

No comments: