Wednesday, December 16, 2009

Kataga ng Taon

1. Cha-Cha
*Charter Change, pangunahing isinusulong umano ng kasalukuyang administrasyon upang mapahaba ang termino ng pangulo.

2. Indie
*tumutukoy sa mga indie films na ngayon ay tumatalakay sa may Malaya at di-kontemporaryong pelikula.
3. Bi
*tumutukoy sa mga bisexual men na patuloy na naghahangad ng pantay na karapatan at pagtingin gaya ng pagtingin ng tao sa mga kababaihan at kalalakihan.

4. GM
*o mas kilala sa tawag na group message, ginagamit sa pagpapakalat ng impormasyon sa pamamagitan ng text messaging.

5. Facebook
*isang social networking site na may services gaya ng games, chat at iba pang application na magpapatibay ng ugnayan ng mga tao saanmang panig ng mundo.

6. Unli
*maikling tawag sa unlimited text na ibinibigay na serbisyo ng mga pangunahing telecommunication companies sa bansa gaya ng Smart, Globe at Sun cellular.

7. Keri
*”kaya ba?” o “kakayanin ba?” o “kakayanin yan!”

8. Larga
*gala o pasyal na kadalasang ginagamit ng mga tao upang gawing swabe ang dating ng salita.

9. Rent
*tumutukoy sa pag-arkila ng computer upang magamit ang internet para sa iba’t ibang gawaing pampaaralan, pang-opisina, pangkalakalan, panlibangan at iba pa.

10. Dilaw
*bilang pagpugay sa namayapang si Pangulong Corazon Aquino, inilunsad ang iba’t ibang kampanyang may kaugnayan sa kulay dilaw na naging simbolong katapatan ng Ina ng Demokrasya.

11. Wowowee
*palabas sa tanghali ng ABS-CBN na naghahatid ng iba’t ibang storya ng buhay ng mga Pilipino, kadalasan na ring ginagamit na expression ng kaligyahan.

12. Script
*tumutukoy sa manuscript na ginagamit ng mga artista para sa kanilang dula, madalas ding ginagamit bilang palusot (“script mo lang yan eh!”).

13. E-heads
*ang tinaguriang The Beetles ng Pilipinas, nakilala sa mga kantang Alapaap, Toyang, Huling El bimbo, Tuwing Umuulan, at marami pang iba.

14. Blog
*itinuturing na new media sa kadahilanang isa ito sa mga bagong usbong na paraan na pagpapakalat ng impormasyon sa madla. Maaring personal, pangnegosyo, pang-akademiko at iba pa.
15. Engot
*tanga, bobo, o inutil na mas pinadulas na salita upang mas maganda sa pandinig at upang hindi makasakit ng kapwa.

No comments: