Thursday, December 24, 2009

Pananong Tandang

September 16, 2009

Reclusion Perpetua --- layuan mo ako!
Maraming tanong sa makatwirang tungo
Tulad ng baliw--- sino?
ang sumisigaw ng kung-anu-ano
sa kanto
o
ang nasa silyong walang inasikaso
bisyo’t isip pa’y indiyo

Bakit binabartolina pa ang tulad ko
gayong langit at impyerno
hahatol at magsisino?

Kung parusa rin lang,
Di sin sana’y doble ang posas, lagyan ang paang di marunong gumalang
Di sin sana’y bilog ang kulungan, mundo’y gawing patlang
Di sin sana’y mainit ang rehas, kumukulong salang

Ngunit hindi pa ba sapat ang lansa,
sakit at dusa,
parusa,
pangungulila at ambososyong pagnanasa?

Impyerno--- tunay na kulungan,
magdidikta ng parusang kahihinatnan
di ba’t minsan lamang mabuhay sa mundong bilugan
ba’t di magawang pagbigyan
o patawarin man lamang
o parusahang sandali na lang

gaya ko,
hindi ko matanto
pagkat doble ang pasakit ko
dito sa kahong bakal na tirahan ko
paano pa kaya kung nasa impyerno
na ako? Anong latigong sugat pa ang haharapin ko?
Pagkat nagkamali lamang ako,
di ko naman kasalanan ang ito
Kung ilustrado,
Letrado,
lamang ako
di sin sana’y sa langit ang tagpo ko.

No comments: