Setyembre 7, 2009
Madalas akong bumili ng memory card. Micro SD, Mini SD,
at kung anu ano pa.
Sa megamall, sa CDR-King,
at kung saan saan pa.
Limang beses na kong bumili ng napakaliit na piraso ng teknolohiya.
Hindi ko alam kung anong hiwaga ba, o kailangan bang ako ang biyayaan ng ganoong nilalaman ng mga memory card na iyon.
Unang beses. Sa CDR-King sa Gateway mall sa Cubao. Pinabili ako ng ate ko ng memory card. Tutal utusan naman ako pagdating sa mga ganoong bagay. Aba, sunod naman ako. Doon malapit sa labasan ng LRT malapit ang pwesto ng stall na pinagbilhan ko. Maayos naman ang memory card. Walang sira o anumang senyales na masisira siya. Sinubukan ko sa cellphone ko. Gumana. Malinis ang memory card kaya’t ako na ang naglagay ng mga litrato. Litrato ko malamang. Pagkauwi, iniabot ko agad kay ate. Abot tenga ang ngiti niya ngunit imahinasyon ko lamang iyon. Sabi ko: “Nilagyan ko na yan ng mga pictures ko, pakibura na lang kung masagwa.” Sabay tawa. Aba, tumawa rin ang kapatid ko. “Ikaw ba ito? Si Jose Rizal ‘to eh! Hahahahaha.” Tumawa muna ako. “Joke ba yan?” Wala na siyang ibang ginawa. Tumawa at ibinigay na lamang niya ang telepono niya.
Si Jose Rizal nga!
Ikalawa. Sa SM Manila. Memory card muli ni ate. Hindi ko ginamit para walang imaheng lumabas sa cellphone niya kapag binuksan na niya ito. Agad kong ipinasok sa bag ko. Umuwi at iniabot sa kanya. Walang laman ang memory card. Ngunit kinabukasan, pambungad sa akin ng ate ko: “Ginamit mo ba ‘to? May pictures kasi ng world war II eh. . . may label pa.” Tinignan ko ang cellhone. Naulit ang unang kasaysayan na ipinamukha sa akin ng unang memory card. Isinagot ko na lang: “Ah, oo! Nagdownload ako ng pics kagabi eh. Eh wala akong memory card, nasira. Para sa Humanities naming yan. Kunin ko na lang.”
World War II nga!
Ikatlo. SM Megamall. Kasagsagan ng kamatayan ni Cory Aquino. Wala naming holiday pa. Burol pa lang niya noong mga panahong iyon. Ako na ang nangailangan ng bakanteng espasyo para mailagay ang mga awit at litratong di ko naman kailangan. Matagal kong nakalimutan ang misteryo ng dalawang naunang memory card. Sa 40 days ni Cory, bumulaga ang mga larawan ng libing ni Cory sa Manila Cathedral, sa Manila Memorial Cemetary at ang kanyang mga astiging litrato sa Makati Shangrila na ginamit sa kanyang tribute. Inisip ko na lang swerte ako sa pagkakataong iyon. Instant memorabilia.
Cory Magic!
Nagmamadali ako nang binili ko ang ikaapat na memory card. SM Centerpoint. Di ko lubos maisip kung bakit doon ko maisip bumili ng memory card gayong wala akong amor sa SM branch na iyon. Bawat araw, may lumalabas na litrato sa memory card na iyon. Litrato mula sa bansang Papua New Guinea, Slovenia, Kenya, Tonga, Sudan at kung saan saan pa. Sa ilalim ay ang caption. Parang news article, kailangan nga lang imagnify ang picture upang lubusang mabasa at mas maiintindihan ang mensahe kung isasaksak sa card reader, patungong computer. Tapos, swak!
CNN?
Sa Tutuban ko ibinili ang ikalima. Memory card para sa pinakabago kong cellphone. May internet na. Kung tutuusin, dapat hindi na ko bumili pa ng memory card para sa cellphone na iyon, libang na libang na kasi ako sa internet connection non. Libre pa. Kada tatlong araw kung pumasok sa gallery ng memory card ko ang mga litrato at ang bago, ang mga video at music. Ito ang ilan sa mga estrangherong data na pumasok sa memory card ko:
Larawan ni Yul Cervo, Mayor ng Maynila.
Music Video ni Kris Aquino kasama si Korina Sanchez.
Video Footage ng Pagrescue sa mala-Titatic na paglubog ng MV Carmella.
Litrato ng EDSA, maraming tao, parang rebolusyon.
Litrato ng Poster ng Final Destination 16.
Litrato ng bagong Santo Papa.
at
Si Charice, WoW Philippines.
Anak ng Memory card nga naman oh!

No comments:
Post a Comment