
Agosto 16, 2009
“Kampaaaay!”
“Kampaay! . . .Kampay!”
Layang umiihip sa dingding ng aking tainga, banyagang kataga
binitawan ng mga estrangherong pamilya
sa loob ng
s a m p u n g
a r a w
sa birheng lupang uhaw sa aking paa
paang angkas ang pitong libong kapuluan
Namalagi sa kalupaang hilaw sa paningin, ang lahat ay iba:
madalas magtago ang
a r a w
sa mahahagway na gusaling abot ang kaulapan,
‘di masiyasat ang
b u w a n
magdamag tulala sa kawalan,
ang
t a l a
argabyado ng pagod, pangarap at pag-asa, at
mahirap masakyan ang mga
u l a p
sapagkat mailap.
Nabuklat lamang ang araling panlipunan ko. Pagkat sa kamay nilang bakal
liping Pilipino, kababaihan
dumanas ng pag-aalipusta
Di namin iyon nadama: walang giyera
sa likod ng aming
s i n t i d o
ni kulay ng balat, di naging
h a r a n g
sa tunay na
p a k a y
at
m i t h i
ng ipinunta
Palitan ng ideya, ideyang
binuro para sa pagpapayaman ng
p a n g a l a n
at
k u l t u r a.
Muling pumasok ang kanilang tinig: Kampaaay!
Kampaaaay! Nakikipagsabayan sa bawat tinig, Kampaay!
hanggang sa muling lalayo ang mga notang walang tunog
nagpapahabol, tila nahahawakan
magpapahuli sa aking palad ngunit nang buksan
wala
‘lang tono, ‘lang tunog
‘lang nota
maging salita, ‘la na.
Bukas, ang larawan ay magbabalik
Pagkatapos ng masidhing pagkawala nito sa sensitibong
lente ng kamerang
ipinahiram lang ng kaibigan
Bukas maibabalik ko na ang “kampay”, salitang binibitawan
ng mga lasenggero sa kanto
ng mga tiyuhin kong umiinom
ng ama ko tuwing katabi ang alak
ng sambayanan tuwing may pista
isalin mo sa wika nila,
diksyunaryong saklaw ang kambal na wika,
sa atin at Nihongo.
Sa aking kaso ---
‘di ko napigilan ang isa
tatanawin ko
habambuhay
k a m p a i -
k a t a g a n g
b i n i b i g k a s
s a
m g a
p a g d i r i w a n g
( p a g d i d i k i t
n g
m g a
b a s o
n g
a l a k )
n a
n a n g a n g a h u l u g a n g
s a l a m a t
o
d i
k a y a ‘ y
p a a l a m.