June 27, 2009
Marami ang tumunganga, napanganga,
Isang malaking bolang bumubuga,
Nagplanong tumumba.
Bulalakaw sabi ng iba,
Maligno bulong ng mga dila,
Paano kung dahil dito’y bumuka ang lupa,
Umurong kaya, kanilang mga mukha.
Sa Sta. Mesa, hindi Sta. Ana,
Napadpad ang kutong-lupa,
Nasaan na, humihinga pa ba ?
Sagot ay oo, sabay sipa
Ako ang bulalakaw
Pagkat walang tiyak na araw
Sapat na oras, sayo’y pupukaw
Saktong petsa, kanilang nakaw
Walang gago, hindi bakaw.
Sa dulo ng Sta. Mesa
Malapit sa Pureza
Saan ka makikita, bulalakaw ng pag-asa ?
Si Vicente ang tumikom,
Si Valencia’y napainom
Saan ka nagtatago, bulalakaw na manghihilom ?
Minsan, umulan ng yelo,
Siya kaya ang lumuha ?
Umalog ang lupa ?
Siya kaya ang sumipa ?
Dumalaw ang ipo-ipo,
Dahil kaya sa pagsinga ?
Umapoy ang ilang distrito,
Pagbulusok ba ng tainga ?
Sinisi siya ng bayan
Bagamat di buo ang kanyang eksistensiya
Nagngangalit, umuusok ang butsi ng iba
Sa kung kaninong di makilala
Kung bakit nabubuo ang demonyong trahedya
Kung bakit biglang nasisira ang saya,
Nalilibing ang ngiti, nabubuhay ang takot,
Sumisigla ang pangamba
Umaraw muli,
Gumaan ang panaghoy.
Wala na’ng bulalakaw.
Saan ka naglakbay?
Nagdilim ang kalawakan,
Numipis ang ulap,
Tumaas ang dagat,
Namatay ang kampon ng tubig.
Patuloy ang gutom, tuluan ang pawis.
Iniwan ang takot, nakataas ang paa.
Siksikan ang kahon, walang pansaklob.
Natahimik ang sentido, naglakbay
Hanggang sa taas.
Bumalik ang bulalakaw,
Mula langit hanggang lupa.
Mula liwanag hanggang pagsalpok,
Pagsabog at pagyanig.
Naglaho ang impyernong elemento,
Ang lindol, baha, sunog at bagyo.
Humalili ang bulalakaw.
Naging pipi ang lahat.
Hawak ang bolo, lumaban sa lahat.
Hawak ang kumot,
Yayakapin ang sangkatauhan.
Hawak ang panyo,
Sasalo sa paglagapak,
Ng luha
Ng tao, bagay,
Ng hayop, o lugar,
O maging ng pinakamalaking bilog
Sa bahagi ng tao.
Bulalakaw, bulalakaw,
Saan ka matatagpuan,
Saan ka makakatawanan,
Saan. . .
Kailan. . .
No comments:
Post a Comment